Sa buhay ng tao may mga nangyayari na hindi mo inaasahan na pwede palang mangyari.
Ang tao na lubos mong pinagkakatiwalaan pwedeng mawala sa iyo ng isang iglap at maging kalaban mo. Ang pinakita mong maganda at masama sa kanya ay pwede niyang gamitin armas para magunaw lahat ng pondasyon mong pilit na tinayo.Hindi lang naman baril,kutsilyo at lason ang nakakamatay . May mas matindi pa pala dito ,hindi ka papatayin at masasaktan ng pisikal pero papatayin ang moral mo at buo mong pagkatao ang tawag dito CHARACTER ASSASINATION.
DILA, oo,ang nasa loob na iyong bibig iyan ang pinaka matalas na sandata pwedeng tumurok sa puso ng iyong biktima. Ang bawat BOSES na nilalabas mo ay parang bala ng baril dumudurog sa katawan na iyong biktima.Ang LAWAY mo naman tumatalsik ang nagsisilbing lason para maiwan mong walang buhay ang kawawa mong biktima.Hindi mo batid na ang simpatya mo pala o sama ng loob mo na sinasabi sa iyong pamilya,kamag-anak at kaibigan ay naghahatid sa iyo para maging isang KRIMINAL.
Binigyan tayo ng utak at puso para gamiting ayusin ang mga bagay-bagay para linawin ang mga isyu ng buhay.Hindi para gamitin upang manira ng kapwa tao. Siguro naayon lang ang character assassination na sinasabi ko, kung hindi bukas ang pinto ng tao na gusto mong sirain.Pero kung ang tao na naman ay isa sa iyong mga kaibigan,kapuso o kapamilya hindi na dapat humantong at pag piyesthan ang isyu.Tandaan natin maliit lang ang mundo na ating ginagalawan. Masaya kaba na ang maliit na mundo na ito ay mahahati pa para iwasan ang multo ng tao mong pinatay.
Monday, July 6, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment